Tuesday, February 26, 2008

Alarming rise in teenage pregnancies noted!!!

By Marlon Ramos
Philippine Daily Inquirer
First Posted 09:07am (Mla time) 02/27/2008

MANILA, Philippines -- While most girls their age are worrying about the gowns they will wear to their junior-senior prom, Marie and Leilanie, both 16, have more pressing things to take care of.

Leilanie, not her real name, is eight months pregnant and is searching for a way to get her 19-year-old live-in partner out of prison. He was arrested five months ago for stealing manhole cover in Caloocan City.

“Wala po kasi kaming pera pambili ng pagkain kaya napagtripan niya ibenta yun (We had no money to buy food so he thought of selling the cover),” the timid girl told the Philippine Daily Inquirer, parent company of INQUIRER.net.

Leilanie said she wants to be with him when she gives birth to their first-born next month.

“I’m trying to be strong for our baby,” she said.

Marie, on the other hand, complained of getting little sleep at night because she has to attend to her three-month-old son and her baby sister.

Marie said she misses going to the mall with her friends and playing street games.

“But I have learned to accept the reality of where I am now,” she said in Filipino.

“Nakakapagod lang po talaga mag-alaga ng bata, maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay (But it’s really tiring to take care of a baby, wash the dishes and clean the house),” she adds, smiling.

Teenage pregnancy

According to the Forum for Family Planning and Development Inc. (FFPDI), Marie and Leilani are just two of millions of teenage mothers in the Philippines.

The group said the steady increase in the incidence of teen pregnancies in the country in the past few years has reached an “alarming stage.”

“The problem lies in the government’s sincerity in addressing issues about population growth and reproductive health,” Benjamin de Leon, FFPDI president, said in a news briefing in Quezon City on Tuesday.

1.7 million babies

De Leon said the latest data from the National Statistics Office showed that of 1.7 million babies born in 2004, almost 8 percent were born to mothers aged 15-19.

Almost 30 percent of Filipino women become mothers before reaching their 21st birthday, he said.

In 2000 alone, young mothers gave birth to 818,000 babies, he said.

“This means that almost one of every 10 babies is born to a teenage mothers,” he said.

He said this number could be bigger as births after March 5, 2005, were not recorded.

“We need to help these children for they are the next generation of parents, workers and leaders. In order for them to fulfill these roles… we must improve their access to education and information about sexuality and reproduction,” De Leon said in a separate statement.

Kiko dela Tonga, of Likhaan Foundation, said a recent study done by the Population Institute of the University of the Philippines showed that more than four million Filipinos aged 15-19 had already had sexual intercourse.

He said more than half of these are from poor families who do not have knowledge about contraceptives and reproductive health.

He said two of every five teenage pregnancies are unwanted ones; more than 46 percent of young pregnant women resort to induced abortion.

One of every four teenage mothers, Dela Tonga said, quit school to focus on child rearing or to find a job to help their families.

Risks

Medical studies likewise showed that 10 percent of babies born to young mothers are malnourished.

One of every five babies of teenage mothers dies of various causes, Dela Tonga said.

“These happen simply because young mothers are not ready emotionally, mentally and physically to rear a child of their own,” said Dr. Gloria Itchon of the Family Planning Organization of the Philippines.

Dela Tonga said although premarital sex has become prevalent among the youth, Filipino families have maintained its conservative view about sexuality and do not discuss the topic with their teenage children.

He said it’s very unlikely for typical parents to talk about issues regarding sex with their children.

“Although our society has become more liberated, it’s almost taboo for a family to talk openly about sex. But teenage pregnancy and premarital sex are the realities that the Filipino youth are facing,” he said.

De Leon lamented that the leaders of the Catholic Church are still opposed to the use of condoms and other contraceptives in their programs for reproductive health.

“We tried to present them the cases of (Marie and Leilanie). But they are just close-minded about the issue of artificial birth control methods,” he said.

“We’re not telling the youth to engage in premarital sex. What we’re saying is that should they fail to control themselves, there are available ways to protect themselves.”

Thursday, February 7, 2008

Malusog na Sekswalidad

Malusog na sekswalidad : Pag-aaruga sa sarili

Ang makatotohanan na pagtingin sa ating sekslwalidad ay lampas pa sa pisikal. Kasama dito ang ating pagtingin at damdamin tungkol sa ating sarili at kapartner. Ang sekswalidad ay tungkol sa pagtingin at damdamin.

Ang pag-express ng ating sekswalidad ay base sa mga pagtingin at damdaming ito. Dahil dito, mahalagang kinikila natin kung ano ang ating paniniwala tungkol sa sarili at sa ibang tao bilang mga sekwal na nilalang. Ito ang tutulong sa atin mag-isip kung ang ating ginagawa o hindi ginagawa ay tumutulong sa pag-aalaga sa ating sarili.

Paggawa ng sarili nating hangganan

Ang media, simbahan at pamilya ay nagbibigay ng mga mensahe kung paano ba dapat tayo kumilos. Minsan ang mga mensaheng ito ay angkop sa atin. Minsan naman ay hindi. Kung ang tangi nating paniniwalaan tungkol sa kung ano ang sekswal ay ang ibang tao, tinatanggal natin ang pagkakataon na tayo mismo ang magbibigay ng ibig sabihin ng sarili nating sekswalidad. Kaugnay nito, tinatanggal din natin ang pag-aalaga sa ating sarili sa paraang alam natin ay mas angkop sa ating sarili.

Pagkilala sa ating damdamin

Ang pagkilala sa ating sarili at sa ating sariling damdamin ay importanteng bahagi ng komitment na alagaan natin ang ating sarili. Ang ating damdamin ay hindi masama o mabuti. Damdamin lang siya. Kapag kinilala natin ito, maari tayong magdesisyon kung paano natin ito tutugunan, kung aaksyunan ba natin ang nararamdaman natin o hindi. Ang pinaka-komportable at hindi problemadong paraan sa pagiging sekswal ay paglagay natin ng sarili nating hangganan base sa ating nararamdaman. Lahat ng babae ay may karapatan at responsibilidad pumayag o tumanggi sa pisikal o emosyonal na samahan.

Pagiging responsable

Kasama sa sekswalidad ang mga usaping pangkalusugan, kaya mahalaga ang pag-aalaga sa sarili at pagiging responsableng partner. Alamin lahat ng maaring matutunan tungkol sa family planning, sakit na nakakahawa dahil sa pakikipag-seks at HIV-AIDS. Proteksyunan ang sarili at kapartner kapag nagse-seks. Kilalanin ang inyong katawan at tuklasin kung ano ang inyong gusto at ayaw kapag ito ay nahahawakan. Kapag mas marami kayong nalalaman tungkol sa inyong katawan, mas mahusay ninyong maalagaan ang inyong pisikal at emosyunal na kalusugan.

Importanteng makipag-usap

Kapag kabisado natin ang ating sarili, maari nating sabihin sa ating partner kung ano ang gusto at ayaw natin. Kausapin ang inyong partner tungkol sa iyong mga sekswal na gusto at pangangailangan. Linawin kung ano ang nakakatakot o nakakasakit sa iyo, at kung saan hindi komportable.

Pag-usapan ang gustong “paano, kailan, saan” na detalye tungkol sa inyong pag-labing-labing. Maging makatotohanan at bukas. Subukang huwag husgahan ang isa’t-isa. Kung meron mang magkaibang paniniwala, mag-desisyon kung ang mga bagay na ito ay katanggap-tanggap sa sarili.

Maging responsableng partner, hindi ikaw ang magiging responsable para sa partner mo. Makinig upang marinig mo kung ano ba talaga ang sinasabi ng iyong partner. Tandaan na maari kang mamili kung ano ang gusto ninyong tanggapin o tanggihan. Maari ding makipagtawaran at makipagkompromiso sa hinihingi ng kapartner.

Hindi naman natin nababasa ang isip ng tao kaya kailangan nating sabihin kung ano ang ating kailangan at gusto. Kapag tayo ay nasa isang relasyon na may pagtitiwala sa isa’t-isa, okey lang maging bukas tungkol sa ating mga damdamin.

Pagsabi sa ating sariling “okey ka”

Maari at okey lang na maganda ang pakiramdam natin tungkol sa ating katawan at sarili. Maghanap ng mga paraan upang mapalitan ang mga hindi maganda mensahe tungkol sa ating sekswalidad. Makipag-usap sa mga kaibigang nakakaintindi o magbasa. Maging mabait sa sarili.

Ano ba ang isang intimate na relasyon?

Iba-iba ang ibig sabihin ng intimacy sa iba-ibang tao. Alam mo siguro kung ano ang kailangan mo upang maging malusog at masaya. May mga bagay siguro na maaring importante o hindi sa iyo sa pagkilala sa iyong relasyon :

  • May pakiramdam ba akong ligtas ako? Kung meron ba akong pakiramdam na hindi ako ligtas, mapag-uusapan ba namin ito ng aking partner?
  • May lambingan ba sa pagitan naming dalawa?
  • Maasahan ko ba ang aking partner na suportahan ako sa mga bagay na importante sa akin?
  • Maingat ba kami at may proteksyon kapag nagtatalik?
  • Handa ba akong maging bukas at makatotohanan sa pagsabi sa aking partner ng aking damdamin?
  • Maari ba akong pumayag o tumanggi sa hiling ng aking partner?
  • Komportable ba kami pag-usapan ang seks?
  • Nararamdaman ba naming pareho na committed kaming dalawa sa aming relasyon?

Hango mula sa The Healing Way ni Kristin Kunzman

http://www.prhc.on.ca/womenshealth/healthinfo/hsex.asp

Monday, November 26, 2007

Pinoy, sa internet nagpaparaos...

Magkahalong tuwa at pagkadismaya ang naramdaman ko ng magtype ako ng salitang sex education sa Google trends. Biruin mo ba naman, pumapangatlo ang 'pinas sa mga bansang gumagamit ng internet maka-access lang ng sex education. Nakakatuwa dahil may pagsusumikap ang mga pinoy na makahanap ng impormasyon tungkol sa usaping sex. Nakakadismaya dahil isa itong indikasyon na hindi accessible ang sex education na ibinibigay ng paaralan- gobyerno man o pribado, at maging ng simbahan.

Heto pa, para makumbinsi ako, nagsearch ulit ako ng tungkol sa sexuality. Top 3 result tungkol sa depinisyon at mala-academe na pagtalakay ng mga impormasyon. Bukod dito, makikita sa search result ang website ng askmen.com na tipong lalaki lang ang nakakaalam ng sekswalidad. Patunay ba ito na kimi pa rin ang babae sa pagtatanong at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa seks? Heto pa, patunay na limitado lamang sa mga "adult" ang usaping seks. Wala man lang akong nakitang result sa 1st and 2nd page na tungkol sa sekswalidad ng kabataan. Inunahan pa ng website na nagbebenta ng mga sex toys. Akalain mo ba naman

Pilipinas, numero uno sa abortion...


malamang na di ka interesadong gawin ito... type ka sa Google trends ng salitang abortion. Tingnan mo result per region. Sino number 1? dyandyararan... Philippines!!!! Huwahhttt... Ano ibig sabihin nito??? Pinoy, naghahanap ng abortion sa internet... Yes, numero uno ang mga pinoy sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa abortion..

Bakit??? Pinag-uusapan ba ito sa bahay, sa komunidad, paaralan at simbahan??? Kung pinag-uusapan ito sa mga nabanggit ko, bakit numero uno tayo sa buong mundo na nagkukumahog maghanap ng impormasyon tungkol sa abortion. Uppppsss teka, baka hindi lang impormasyon ang hanap ng pinoy. Malamang na naghahanap din ito ng serbisyo. Uhummm... Bawal at masama sa pinas ang magpalaglag.... Imoral... yan ang sabi ng ilan... lalo na ng taga-simbahan.

Alam mo ba na taun-taon 470,000 kababaihan ang nagpapaglag sa Pinas. Upppsss... reported cases lang yan... pano ang mga nasa malalayong lugar, yung hindi nakakaabot ng ospital??? eh di hindi sila narereport... eh di hindi sila counted.. Higit sa kalahati ng pagbubuntis ng mga kababaihan ay hindi ginusto at hindi planado. Ibig sabihin, hindi palaging gusto ng babae na magbuntis at manganak. Pero nasaan ang Contraceptives? May batas ba para dito? May budget ba para dito? May gobyerno ba para dito?

Maraming kababaihan ang namamatay sa di-ligtas na abortion. May mga gumagamit ng catheter, shoktong, hanger, tangkay ng bayabas at iba't ibang mga gamot at gamut-gamutan...

Heto pa, kamustahin mo naman ang mga bansang legal gaya ng France, Britain, Mexico, US at Australia ang abortion kung marami ang nagpapalaglag sa kanila... Take note: ang italya kung saan nakalukluk ang PAPA "legal" ang aborsyon... Ano ibig sabihin nito???

heto ang mga sites na makakatulong sayo sa pagreresearch tungkol sa abortion globally: http://www.abortionfacts.com/Statistics/world_statistics.asp
www.reproductiverights.org

Sunday, November 25, 2007

Imposing MIsery

Guys, please try to take time reading this report. This is really interesting. Imagine the effects on women's lives of banning the contraception.

this is the link:
www.reproductiverights.org/pdf/Philippines%20report.pdf

just click or copy and paste in the url area.

Wednesday, November 21, 2007

Babae sa Pag-unlad at Pagbabago

Babae kasi ehh... Yan ang sabi ng marami... Eto naman ang aking say.


Sa maraming pagkakataon, higit na apektado ang mga kababaihan. Maraming kwento ang magpapatunay nyan.... heto ang ilan:

“Nung tumaas po ang mga pangunahing bilihin, natataranta ang nanay ko, balisa . At parang byernes santo ang mukha sa pagkwneta ng dapat gastusin sa araw-araw. Gusto nyang pagkasyahin ang 150 pisong kinita ng tatay ko sa araw ding iyon sa pagtatawag ng pasahero sa bus terminal.” kwento sa akin ng isang batang marusing.


“Sino ba ang nagbubuntis? Bakit pag-iniluwal ko ba 'tong batang 'to pakakaiinin nila? Pag-aaralin ba nila? Hindi tama na ipagbawal ang kontraseptibo dito sa lungsod namin. Hindi man tama, pero wala kaming magawa. Saan kami kukuha ng libreng pills at pang-inject? Kung alam nyo lang kung anong hirap ang pinagdadaanan ko sa twing magbubuntis at manganganak ako. Mahirap ang umiri. Palaging nalalagay ang isang paa ko sa hukay ni kamatayan. HIndi biro ang kalagayan ko. Paano kaya kung ang lalaki o si Mayor ang magbuntis, ipagbawal pa kaya nya ang kontraseptibo?” umiiyak na pahayag ng isang ina na may 7 anak.


“Nag-away na naman po sila kagabi. Galit na galit po si tatay pag-uwi nya sa bahay. 'di daw kasi nagluto si nanay ng kanin at ulam, ehhh. Ano naman pong ibibili ni nanay? Wala naman po kaming pera. Walang iniwan si tatay. Sinuntok si nanay sa tyan. Opo, kitang-kita ko! Umiiyak sya sa sakit. Tapos, sinisigawan sya ni tatay na tamad daw sya. Walang kwenta. Tapos, sumagot si nanay at sinabi yung totoo na wala naman talagang iniwan na pera si tatay. Tapos, ayun, sinampal sya sa muka at sinuntok. Dumugo ang bibig ni nanay. Umiiyak sya. Umiiyak din kaming magkakapatid. Wala kaming nagawa kahit kapitbahay namin. Tapos na sila mag-away, matutulog na kami. Naririnig ko sabi ni nanay tama na, di ko na kaya. Yumuyugyog ang sahig namin. Medyo matagal din. Tapos, tumigil ang pagyugyog, narinig ko si nanay umiiyak. Si tatay naghihilik na. Parang barko. Tapos nun, kanina, dinala ng mga kapit-bahay si nanay. Dinugo kasi sya. Madaming dugo sa binti nya. Buntis pala si nanay. Pang anim na sana naming kapatid yun, kaso yun, hindi kinaya ang suntok ni tatay.” malungkot na kwento ng 12 anyos na bata sa akin matapos kaming maglaro.


Madalas akong makarinig ng kwento ng mga pang-aabuso sa kababaihan. Bagay na nagiging inspirasyon ko para mabago ang lipunang ginagalawan ko at ng mga kababaihan sa lipunan. Sa tatlong taong pakikisalamuha ko sa grupo ng mga kababaihan, nakita ko ang halaga ng pagiging babae. Nakita ko ang tunay nilang kapangyarihan at lakas. Bagay na hindi kinikilala ng marami.

Hindi palaging malungkot ang kwento pagdating sa babae. May mga makulay at kahanga-hangag pangyayari na ang mga kababaihan ang dahilan.

Si Lina, Gina, Jerelyn at marami pang ibang babaeng lider sa komunidad ay masigasig na nagtataguyod ng kagalingan ng kababaihan. Nagbibigay sila ng mga pag-aaral tungkol sa kalusugan at karapatan ng mga kababaiahan minsan sa isang buwan. Itinuturo nila ang halaga ng kababaihan sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan. Gayundin, tinutulungan nila ang mga kababaihan na magdesisyon para sa sarili. Ipinauunawa nila na ang bahagi ng babae sa lipunan ay hindi lamang nagsisimula at natatapos sa pagiging ina. Ang pananakit sa kababaihan ay isang uri ng karahasan na dapat itigil. Nagbibigay lunas din sila sa mga karaniwang karamdaman ng mga kababaihan at maging lahat ng kasapi ng komunidad. Nakikipag-usap din sila sa lokal na pamahalan upang pondohan ang mga aktibidad at pangangailangang pangkalusugan ng kapwa nila babae. Si Lina, kagawad na ngayon. Dati-rati'y sa bahay lang at naghihintay sa pag-uwi ng asawa. Si Gina, health worker at presidente na ng homeowners. Dati-rati'y kahit sariling sakit at pangangailangan hindi matugunan. Si Jerelyn na dating kimi, ngayon ay tagapagsalita na ng samahan ng mga kababaihan sa isang relocation site.


Marami pang kwento na hindi nakaka-iyak, nakakatakot at nakakabahal ang pwedeng ibahagi ko sa inyo tungkol sa babae at pagiging babae. Masaya, maunlad, patas, kinikilala, may respeto at makabuluhang buhay ng babae sa komunidad. Ilan lamang sina Lina, Gina at Jerelyn sa mga kwentong ito. Ilan lamang sila sa mga kababaihan na naghahangad at kumikilos ng pag-unlad at pagbabago sa lipunan at kababaihan.